thinking out loud
grabe..sobrang tagal na since nag-post ako...haha... ;p
i miss my blockmates! grabe...halos one week ko na silang hindi nkikita...tama ba? now na i'm usually at home, prang hindi tumatakbo ang oras...ang sarap ng pakiramdam na sa wakas ay may oras akong gawin ang mga bagay na gusto ko...ang dami-dami ko pang kailangang gawin sa totoo lang...
kailangang ayusin ang isang tambak na mga papel na ginamit last sem...ang mahirap doon, katakot-takot na pagdedesisyon un...kung gagamitin ko pa ba o hindi na...kung gagawin bang scratch paper o itatago o ipapa-bind...kagaya ng photocopy ng wolpert na ilang chapter din na hindi ko naman nabasa...grrr...regrets...better time management...hay nako...ano kayang gagawin ko dun?
umaga na...sa labas, sumisikat na naman ang araw...ito ang pinka-gusto kong oras maghapon...ung paglabas ko sa garden, malamig-lamig pa...tapos pag tumingala ka,makikita mo, naghahalo pa lang ang orange sa dark blue na langit...maya-maya, sumisilip na ang yellow...ang ganda...kse, sa mga pagakakataong iyon, pakiramdam ko, walang pwedeng mangyaring masama sa akin...at sa mga taong mahalaga sa akin...parang...lahat pwede pang mangyari... =] ang ganda...sana...maaring ibahagi ang mga ganoong pagkakataon sa iba... =]
ahh..thesis...dapat ata ay iyon ang aking ginagawa ngayon...sa pakiwari ko, ako na ang pinaka-delingkwente sa blockmates ko...hay...pero paano? saan ako huhugot ng drive para gawin ito? help...
puerto! bakasyon...hay...sana magkatotoo, sana matuloy... =]